Alam mo pare kung nag-iipon ka ng pera ngayon sa banko at ang ipon mo ay gagamitin mo makalipas ang 3-5 taon(long term) pa eh baka dapat itigil mo na to. bakit? bibigyan kita ng ilang dahilan kung bakit hindi maganda ang ganitong paraan ng pag-iipon ng pera sa banko. 1. Nawawalan ng halaga ang pera- bakit at paano ito nangyari? ninanakaw ba ito ng banko? hindi naman sa ninanakawan ka pero nawawalan ito ng halaga sa mga lumilupas na panahon. halimbawa na ang dating sampung piso mo ay nakakabili ka na ng 1 kilo ng bigas at kung anuano pa sa ngayon ay tsitsirya o mga murang bagay na lamang ang mabibili mo rito, mapapansin mo na habang patagal ng patagal pa onti ng pa onti ang nabibili mo sa iisang halaga o pera. Dati sa pag kakaalam ko ang piso ay marami ng mabibili sa ngayon sa isang kendi na lamang ang kaya ng piso natin. Ang tawag dito ay "inflation". Sa ngayon ay mayroon tayong average 3% inflation rate sa loob ng isang taon, na kapag iisipin mo nawawalan ng halaga ang per...