Lumaktaw sa pangunahing content
Alam mo pare kung nag-iipon ka ng pera ngayon sa banko at ang ipon mo ay gagamitin mo makalipas ang 3-5 taon(long term) pa eh baka dapat itigil mo na to. bakit? bibigyan kita ng ilang dahilan kung bakit hindi maganda ang ganitong paraan ng pag-iipon ng pera sa banko.

1. Nawawalan ng halaga ang pera- bakit at paano ito nangyari? ninanakaw ba ito ng banko? hindi naman sa ninanakawan ka pero nawawalan ito ng halaga sa mga lumilupas na panahon. halimbawa na ang dating sampung piso mo ay nakakabili ka na ng 1 kilo ng bigas at kung anuano pa sa ngayon ay tsitsirya o mga murang bagay na lamang ang mabibili mo rito, mapapansin mo na habang patagal ng patagal pa onti ng pa onti ang nabibili mo sa iisang halaga o pera. Dati sa pag kakaalam ko ang piso ay marami ng mabibili sa ngayon sa isang kendi na lamang ang kaya ng piso natin. Ang tawag dito ay "inflation". Sa ngayon ay mayroon tayong average 3% inflation rate sa loob ng isang taon, na kapag iisipin mo nawawalan ng halaga ang pera o ang iniipon mo ng 3% sa isang taon na kung may 100 pesos ka eh 97 na lang ang kaparehang halaga nito sa lilipas na taon. Tumubo ba ang pera mo o hindi? huwag kayong masyadong pasilaw sa mga interest rates o tubo na binibigay ng banko na kadalasang nag bibigay ng 0.0025% sa kanilang mga kliyente na nag iimpok ng pera sa kanila. Kung iisipin mo wala pa ito sa 1% na kung ikukumpara mo sa inflation rate na mayroon tayo sa Pilipinas ay sadyang napakalayo. kung ating susumahin 0.0025% minus 3% = -2.9975%. 2.9975% ang nawawala sa ating pera taon-taon, kahit po ipasok ninyo ito sa kahit anung produkto ng banko na nagsasabi na nagbibigay ng 3% na tubo o kita ay talo pa rin po tayo o nawawalan pa rin po ito ng halaga. sa katunayan nga po ang mga interest o tubo na ating nakukuha ay binabawasan pa po ng tax, 10 percent po ang kinukuha na gobyerno saatin sa bawat kita o tubo na ating nakukuha sa pag iipon. kumbaga nabawasan na po ang pera natin ng halaga eh mas nababawasan pa po dahil po sa tax na pinapataw ng ating gobyerno.

2. Papahirapan ka ng banko- Oh bakit may ganito? nag lagak ka na nga ng pera, napakinabangan na nga nila ang pera bakit mahihirapan ka pa? bakit? Sa tuwing pupunta ka sa banko kailangan palagi ang I.D at kung wala ka nito hindi mo makukuha ang iyong sariling perang pinag hirapan lalong lalo na kung hindi ka nila kakilala. Dagdag mo pa ang napakahabang pila na kumokunsumo ng ating mahahalagang oras sa pag pasok(deposito) at pag labas ng ating pera (withdraw). Nag pasok o nag impok ng pera umubos ng oras gayun ang ang pag alis o pag kuha ng pera rito na kung susumahin mo sa buong kasaysayan ng iyong mga transaksyon ay kumonsumo na ito ng napakahabang oras ng pahirap at sadyang napakahirap. At may mga ilan na mga banko na hindi maganda ang serbisyo na para bang ikaw pa ang may utang na loob sa kanila pagtapos nilang pag kakitaan ang iyong pinag-hirapang pera.

3.Lalo kang mawawalan ng pera- nakakatawa ito isipin na halos hindi natin namamalayan ang mga simpleng bagay na ito na nakakadagdag din ng pahirap o gastos para saatin. Una na rito ang mga pamasahe papunta at pauwi papuntang banko, mga "service charge" o bayad serbisyo natin sa banko, opo tama po napakinabangan na po nila ang ating pera eh babayaran pa po natin sila,isang magandang halimbawa na po rito ang pag wiwithdraw natin sa ATM na sa iba po ay may kaukulang bayad,at mga iba pang karagdagang bayad o penalties sa ating transaksyon. Minsan nga po ay nakakalimutan ko na na pera ko po pala itong aking gimagamit kala ko po pera nila. hehe

Ito po ay ilan lamang sa mga hindi magandang dahilan kung bakit hindi ka na dapat mag ipon ng pera sa banko at ito po ay base lamang sa pag iimpok o pag iipon ng pera sa banko ng mga karaniwang tao.

Kung hindi po pag iimpok ang intensyon natin sa pag babanko ay marami rin po itong mabuting dulot sa atin dipende sa ating pangangailangan. Kaya po mag isip po tayong mabuti bago po natin ipagkatiwala sa iba ang ating pinaghirapang pera para po magamit natin ito sa mas mahusay na pamamaraan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

UPDATED PALAWAN EXPRESS PERA PADALA CHARGE Amount Fee Discount Rebate Suki Points ₱1-₱100 ₱3 - - 2% of Service Fee ₱101-₱200 ₱6 - - 2% of Service Fee ₱201-₱300 ₱9 - - 2% of Service Fee ₱301-₱400 ₱12 ₱1 - 2% of Service Fee ₱401-₱500 ₱15 ₱1 - 2% of Service Fee ₱501-₱600 ₱18 ₱1 - 2% of Service Fee ₱601-₱700 ₱21 ₱1 - 2% of Service Fee ₱701-₱800 ₱24 ₱1 - 2% of Service Fee ₱801-₱900 ₱27 ₱1 - 2% of Service Fee ₱901-₱1,000 ₱30 ₱1 ₱1 2% of Service Fee ₱1,001-₱1,500 ₱45 ₱1 ₱1 2% of Service Fee ₱1,501-₱2,000 ₱60 ₱2 ₱2 2% of Service Fee ₱2,001-₱2,500 ₱75 ₱2 ₱2 2% of Service Fee ₱2,501-₱3,000 ₱90 ₱2 ₱2 2% of Service Fee ₱3,001-₱3,500 ₱95 ₱3 ₱3 2% of Service Fee ₱3,501-₱4,000 ₱115 ₱3 ₱3 2% of Service Fee ₱4,001-₱5,000 ₱125 ₱4 ₱4 2% of Service Fee ₱5,001-₱6,000 ₱145 ₱5 ₱5 2% of Service Fee ₱6,001-₱7,000 ₱155 ₱5 ₱5 2% of Service Fee ₱7,001-₱8,000 ₱165 ₱6 ₱6 2% of Service Fee ₱8,001-₱9,500 ₱185 ₱6 ₱6 2% of Service Fee ₱9,501-₱10,000 ₱195 ₱7 ₱7 2% of Service Fee ₱10,001-₱14,000 ...